Archive for break

Sa Parking Lot

Posted in lovelife, Personal, pozzie life, thoughts with tags , , , , , , , on November 24, 2010 by iamhivpositive

Tanga. Yan siguro ang tawag sakin dahil gagawin ko ang gagawin ko ngayon.

Lahat ay handa ng umalis at naghihintay na lang ng elevator pababa. Medjo maliit lang ang elevator sa gusaling yaon kaya’t di lahat ay nakasakay sa unang elevator na nagbukas. Kaming dalawa ay nakabilang sa mga naunang nakasaky. Tahimik lang ang lahat marahil ay pagod o di kaya ay wala lang talagang mapagusapan. Isa isang nagbabaan sa iba’t ibang palapag ang iba pa naming kasama hangga’t sa kaming dalawa na lang ang natira sa loob. Ilang sandali pa at muling bumukas ang elevator at kami ay lumabas na rin mula rito.

Inimbitahan niya ako na sumabay na lang sa kanya at ihahatid niya ako sa pinakamalapit na sakayan dahil malakas ang ulan sa labas. Tumanggi pa ako nung una dahil sa tingin ko naman ay titila naman din ang ulan. Ngunit medyo mapilit siya at ako ay tuluyan nang di nakatanggi.

Sa tingin ko ay pansin nya ang malamig kong pakikitungo sa kanya nung araw nay un. Tanghali pa lang ay magkasama na kami at simula’t sa pol ng magkasama kami nung araw na yun, ako’y medyo ilag na talaga sa kanya.

“Is there something wrong?” Tanong niya sakin habang kami ay nanananghalian.
“Nothing… I’m just not in the mood… don’t mind me… mawawala din to…”

Pero sa totoo lang, nung mga oras ding yun, unti unti ko nang binubuo ang aking magiging “piece” sa kanya. Paano ko kaya sasabihin ng hindi siya masyadong masasaktan o hindi niya maiisip na ang taas naman ng tingin ko sa sarili ko?

Sumakay kami sa kanyang sasakyan. Sabi niya dun na lang daw kami mag-intay para mas malamig at makaupo kami ng maayos. Ito na. Ito na ang tamang timing na hinihintay ko. Ngayon ko na sasabihin sa kanya. Tinangka niyang hawakan ang aking kamay ngunit nagkunwari ako na di ko ito napapansin. Siya ay biglang nagakmang ako ay aakbayan ngunit di ko na napigil ang aking sarili at ako ay medjo napaangil.

“Ei, wag ka muna makulit please… medyo irritable ako ngayon e… snappy ba… sorry”

Ok lang ang kanyang maikling sagot at siya ay biglang natihimik. Tiningnan ko siya. Base sa kanyang reaksyon, alam kong siya ay naiinis na din sa aking pakikitungo sa kanya nuong araw na iyon.

“Ano ba talaga ang problema? Ilabas mo na… para hindi ka na mabad mood…”

At doon na ako nagsimula…

Sinubukan kong ipaliwanag sa kanya ang aking nararamdaman ngunit di ko ito madiretso.

“Ummm…. Sige… First, I don’t want to mislead you or anything… let’s just enjoy what we have… like, you can go date other people and same goes for me… but if you still want to ask me out, it’s fine… we can go out… I want us to be friends first… mas maganda kasi kapag ganun, I mean, yung foundation ng relationship natin… if ever man na magflourish… kung hindi naman magdevelop into something romantic… atleast we’re friends… ayoko lang magrush… right now, I’m trying… but sana talaga maging friends lang muna tayo… like walang holding hands or kissing… plain friends ba… then we’ll see from there if ever…”, ang mahaba at dire-diretso kong tugon…

“Ok… “ ang kanyang sagot….

Advertisements